Ang Mangga
Ngayon linggo sa Filipino, gumamit kami
ng mangga sa klase. Oo, mangga. Ito'y isang kakaibang materyales sa
klase, pero eto talaga ang ginamit namin. "Experiental learning"
nga, ika ni Sir Jet. Pinadala kami ng mangga dahil ang tula namin
ngayon ay may kinalaman sa mangga at pagbasa ng tula. Sa unang tingin
ay parang walang kinalaman ang dalawang bagay na ito, pero kapag
binasa mo ang tula, makikita mo ang koneksyon. Ang tula ay ang "Payo
sa Mambabasa ng Tula" na isinulat ni Rolando S. Tinio. Dito,
kinukumpara niya ang pagbasa ng tula sa pagbalat at pagkain ng
mangga.
Ang unang parte ay ang pisikal na anyo
ng mangga. Ang hugis, laki, timbang, kulay, amoy, at lasa nito. Ito
ang una nating napapansin sa mangga bago nating kainin. Sa tula, ito
ay ang pamagat at anyo nito. Kapag nagbabasa tayo ng tula, hindi natin
kaagad napapansin ang nilalaman nito, sa halip, una nating napapansin
ang pisikal na anyo nito. Ano ang ba ang anyo nito? A-B-A-B ba o
malayang taludturan? Ilan ang saknong? Tumutugba ba ang mga linya? Sa
PsMnT, malaya ang taludturan at walang tiyak na bilang ng linya sa
bawat saknong. Merong saknong na pito ang linya samantalang meron din
na isa lang ang linya. Meron din mga tula na may tiyak na anyo at
bilang ng linya. Sila'y parang mga mangga na may iba't ibang itsura.
May mga mangga na dilaw, berde, makinis, o magaspang tulad ng mga
tula na may iba't ibang itsura sa anyo nila.
Sunod ay ang laman ng mangga. Ang
katumbas naman nito sa tula ay ang mismong nilalaman nito. Tulad ng
laman ng mangga, kailangan maingat tayo sa "pag-kain" o
pagbasa ng tula. Kailangan hindi lang tayo nagbabasa o kumakain;
kailangan "mahalin" natin ito. Sa mangga, kailangan
pang-kommersyal ang itsura natin habang kumakain; sa tula, kailangan
gusto natin ang binabasa natin at hindi parang pinilit lang tayo
basahin ito. Kailangan din unawaan natin mabuti ang tulang binabasa
natin at hindi binabasa lang ng mata. Kailangan kasama din ang utak
sa pagbasa. Kapag hindi pa tayo nabusog sa isang pagbasa, ulitin ito
para maunawaan ng mabuti. Huwag din natin madaliin ang pag-kain,
bigyan natin ito ng sapat na oras para malasap ang tunay na lasa
nito.
Maikukumpara naman ang buto sa
kahulugan ng tula. Matapos kainin ang laman, ang buto na lang ang
natitira. Pero kahit na nabasa na ang nilalaman, hindi pa din malinaw
ang tunay na kahulugan. Ito'y dahil ang buto ay natatakpan ng mga
buhok-buhok o "fibers" na nagtatago sa totoong anyo ng
buto. Dahil hindi natin nakikita ang totoong anyo ng buto, masasabi
ba natin na may isang totoong kahulugan ang tula? O baka meron lang
tayong sariling interpretasyon kung ano talaga ang hitsura ng buto?
mainam ang pag-uulit ng natalakay pero balikan ang panuto ng online journal. paglalapat dapat ng natutuhan sa isang teksto ng kulturang popular. yun ang gawin sa susunod.
ReplyDelete- Sir Tenorio